Thursday, June 16, 2005

Roof top

Mga one sided views dito sa tinutuluyan ko.

Paghawi ko ng kurtina sa umaga para pumasok ang nakakasilaw na liwanag mula sa labas ng flat kung saan kami ang nasa tuktok ng building kasamang mga naglalakihang disks makikita ang samu’t saring tanawin mula sa mga luma at makabagong building hangang sa mga kotseng nagdadaluyan sa mga kalsada.

Anu-ano nga ba ang mga abot-tanaw na mga bagay na nakikita ko?

Sa bandang kaliwa, ang malawak na karagatan kung saan makikita pamin-minsan ang mga naglalakihang barko na bumabaybay, mayroon ding maliliit na barko na palagay ko ay taga-dito lang.

Pinakamaraming puno dito ay yong dates, na pailan-ilan na nakapaligid sa mga establishimiyento at mga naglalakihang bahay. Sa ngayon me mga bunga na ang mga puno at iyong iba binabalot nila ng plastic (ewan ko kung bakit siguro para di mainitan, hehehe).

Ahh, ang mga mosque na iba-t iba ang design, di bale tatlo yon so imagine niyo kapag nagkasabay-sabay ang prayer timing nila. Actually, nasanay na ko dun at halos alam ko na ang oras kahit di ako tumingin ng orasan dahil nakafull blast speaker ang prayer nila. From 1:00 to 4:00pm (yata di ko sure kung 4pm nga) sarado ang mga stores dito dahil kelangan nilang magpray at gawin ang mga bagay na ginagawa nila (malay ko kung anu-ano yon) tas balik ulit sila sa offices at stores nila. Pero usually ang mga arab women na nasa office eh up to 3pm lang.

Note: Holding a party with mixed gender is considered an illegal assembly. Ganito ang kultura nila dito. At isa pa lang ito.

Sa bandang kanan naman ay ang mga establishimiyento: luma at bagong building na puros disks ang nasa tuktok katulad nitong kinatatayuan ko ngayon. Oi, me mga flying V kalapati!!! Meron din niyan sa ibaba, para ka ngang nasa Milan (minsan magpapapicture ako dun), yong iba pinapakain nila (mostly arabs) ng feeds at binibigyan ng tubig kasi sa kanila parang obligation or offering nila yon in return for all the blessings that they are receiving. One time nga pala me hinatid ako sa bus station (near the city post office which is beside lang ng building na tinutuluyan ko) me biglang nagcrash landing na pigeon na heatstroke yata kasi sobrang init noong gabi na yon as in 40 degrees siya mama (woofff).

Nakikita ko rin ditto ang main road kung saan ang mga busses eh dumadaan palabas pasok ng city mula sa ibang areas. Ang mga public buses na ito eh me mga designated seats only for women na gaya ko (ep ep eps walang kokontra!), kapag me nakaupo na dunna kelots agad pinaalis ng driver (nasa likuran lang niya kasi yong mga seats na yon). Minsan me naencounter akon na Egyptian tas pilit akong pinauusod ng upuan tas sabi ko sa kanya, “this seat seat is for women only! “ (magalang pa ko nun at sa ‘pinas 2 okasyon lang ako nag-iingles i.e. galit at lasing, for emergency use only pag me foreign visitor or phonecall!) tas ang sagot ng lolo mo, “please…move”, (huh?! Banatan ko ng ulit.) “why don’t you sit at the back, you are not a WOMAN!”. Matigas ang ulo ng lolo mo, in fairness matanda na siya at pababa na rin naman ako kaya pinagbigyan ko na, pero with a vengeance. Pagtayo ko sabi ko sa kanya, “excuse me, let me pass, I will go down.”, with matching firm voice yon ah (taray! O di vah!)

Haaayyyy! Ayan na naririnig ko na ang prayer nila, meaning 12 noon na.

O siya mga readers hanggang sa muli (magbabalat pako ng kalabasa, pampalinaw daw yon ng mga mata hehehe).