Sunday, September 25, 2011

when you get closer to someone, unintentionally, it is so damn hard to detach yourself and to move on....

buti na lang may pinagkakabusy-han ako, medyo naaliw kahit papaano. sabi nga ng iba mas madali para sa aalis, mas mabigat sa mga maiiwan...which is basically true.

hayyy, ayun na lang ang maisasagot mo kapag nagbabalik-tanaw ka or di kaya pag may nagtatanong kung nasaaan at kumusta na siya.

pero teka, para yatang hindi na ito bago para sa akin, ilang beses na ba itong nangyari pero heto nakakapagtaka lang siguro nga nagmature na rin ako kung paano tanggapin ang mga ganitong sitwasyon.

minsan naiisip ko tuloy, pattern na ito sanayin ko dapat ang sarili ko...maging manhid? imposible yata yon, ganito na lang, sanayin ko na simula pa lang ay wala ng expectations, hayaan lang kung anu anjan...

"Seize the Day!"

baka nga nakalimutan ko na rin ang mantra ko na ito...kung masyado naman akong mag-cling sa ibang tao dehado ako, olats, depressed, at malamang mag-breakdown na naman ako.

so pag may aalis, lalayo, malayo, di physically present...siguro naman maaalala din ako ng mga taong naging bahagi na ng "journey" ko. iyon lang sana huwag nila akong kalimutan.

kung pupuwede lang sana hawakan ang oras...

pero salamat na lang din at sa konting panahon may mga nakasabay ako sa aking paglalakbay, at mapapangiti na lang ako kapag may naaalala ako :)