Saturday, July 16, 2005

paksiw na pata

hoy hoy mga 'igan! me mga tips ako ngayon sa inyo pero unahin natin muna sa PAA. oo maamoy at maanghit na mga paa. oopsss! huwag magtawa, dahil kung di nyo aalagaan ang inyong mga paa, babaho talaga yan di kalaunan. kaya heto na, simple lang naman ang gagawin.

na-experience mo na bang pagdating mo galing eskuwela, opisina o kahit sa labas kung saan ka man nagsususuot at pagtanggal mo ng iyong mga sapatos o step in eh umalingasaw na higit pa sa atomic bomb ang bagsik na amoy (ex. para siya amoy patis na hinaluan ng toyo)?! fwez, manginig ka dahil SUKA lang ang katapat niyan! korek ka jan, pede rin tawas pero sa aking pagsusuri di hamak na mas epektibo pala ang suka. oo mga mare suka nga yong ginagamit sa paksiw hindi yong pag uminom ka ng serbesa o alak eh susuka ka, mali ka dun. ganito kasi gawin mo, try mo lang ala namang mawawala kungdi yong amoy lang ng paa.

maglagay ng 2 takip na sukat ng suka (puti) sa isang tabo ng tubig tas ilagay sa maliit na palanggana na kasya ang iyong mga paa tas ibabad mo lang, hmmm, mga 5 -10 mins pede na. WAG BABANLAWAN! hayaang matuyo tas makikita mo este maaamoy mong kakaiba, oo nga sa simula siyempre amoy suka yun pero maaalis din yon kesa nman amoy patis, yakitidak dak!

so prends, sana makatulong sa inyo ang tip na ito, abangan sa susunod...