Monday, July 18, 2005

saranggola...

...basta marami pa tayong gagawin, kahit san man tayo mapunta magpapalipad pa rin tayo ng guryon. simbolik nga yon eh kaya yon ang ginawa ko bago ako umalis, bukod sa matagl at gusto kong gawin yon eh kasama ko pa kayo sayang nga lang at di tayo kompleto.

yong saranggola kasi mga pangarap at hangarin natin yon sa buhay, yong pisi o sinulid naman yon yong determinasyon kung saan pag mahina at maigsi ang pisi o sinulid aalagwa yon maaring sumabit sa puno o masira ang saranggola. mabuti sana kung me makakakuha nun at ipagpapatuloy ang pagpapalipad nito. tanging hangin na nagsisilbing pagsubok, parang sasabay tayo sa ihip ng hanging pero yong nagpapalipad pa rin ang me control kung saan at gano kataas niya gustong paliparin ang saranggola. at pag nareach mo yong satisfaction at masaya ka na dahil napalipad mo na ang saranggola sa gusto mong taas sa saliw ng hangin kahit gaano pa ito kalakas, pwede mo nang hataking ulit ang pisi at saranggola upang sa mga susunod na araw mapapalipad mo ulit siya. ewan ko, pero nung nagawa natin yon ang saya-saya ko sobrang saya, bukod sa kasama natin ang kapatid ko at syota niya, at least nakita niya kung ano ako kahit sandali lang -- isang taong me mababaw na kaligayan pero me malalim na pagtingin sa buhay. tas nakausap at nakasama rin natin yong mga batang paslit, sa totoo lang naiiyak ako nun dahil binigyan ako ng pagkakataon na maranasan yong ganun. yon ang mga bagay na di matutumbasan ng kahit na anong material na bagay dito sa mundo, na kahit pagtanda ko maaalala ko pa rin siya at maikukuwento sa iba. marami pa, marami pang alala na punong-puno ng kahulugan. tama ka weirdo nga ako...at laking pasasalamat ko at nakilala kita at naging bahagi ng buhay ko, pati na rin ang mga kaibigan natin, nandito kayong lahat, sa isip at puso, tanging kayamanan ko.

pakshet! ang sakit na naman ng panga ko di kasi ako makaiyak dito eh!
siya dito muna ha, mamya ulit!

MISS U OL!!!