Thursday, May 26, 2005

Tom Jones

Hay umaga na naman. Bagong araw bagong pag-asa…(ennngggkkkkkk!)

Gutom lang yan!

What about some chicken lugaw? Why not! (wink wink) To the Kitchen!!!!

First look for bahaw o lumang kanin na natira pa kagabi. Unfortunately wala dahil nagluto pala si tita ng pasta kahapon na sa sobrang sarap ay nagging dahilan ng aking impatso. Parang narinig ang aking kahilingan tumambad sa akin ang Quaker Oats (tada!)…”Chicken Oatmeal Soup” in tagalog GOTO (hehehehe). So dali-dali akong naggayat ng sibuyas at nagdikdik ng bawang, akalain mo meron pang ilang pirasong chicken luncheon meat sa pridyider. Hmmm, wala akong cumin, manok, at ibang hinhinging ingredients kaya nag-imbento na lang ako.

1 Medium size sliced onion
5 cloves minced garlic
ground pepper
salt
1 chicken stock cube
1 can chicken luncheon meat
1 thumb size ginger, minced
1 cup Quaker Oatmeal
2 cups water
1 tbsp oil


luto na tayo!

Igisa ang bawang at sibuyas sa mantika ng 5 minuto, isunod ang chicken luncheon meat. Ibuhos ang 2 tasang tubig at hintaying kumulo. Ilagay ang chicken stock cube at ang oatmeal hayaang maluto ng 5 minuto. Ilagay ang ginger, paminta at asin ayon sa inyong panlasa. Hanguin at lagyan ng dahon ng sibuyas (kung meron) at kalamansi.

Note: Hindi na ito masarap kapag malamig na.

Batian portion!!!!

Hello kila Eye, Bananarit na walang sawang sumusubaybay sa aking blog, sana me natutunan kayo kahit unang entry palang ito.
Si Jessica na kasalukuyang nasa bansang Netherlands at nagpapakadalubhasa (pipiliting ko pa siyang I-browse kahit once in a blue moon ang aking blog) pleeeaaaaaseeeee basahin mo ito ; (

Gayon din kay Bagtit na hihikayatin ko ring pasyalan ang portion na ito, kain ka ng marami (dyok dyok!).

At sa mga ibang ko pang friends.