Friday, June 24, 2005

crispin? basilio?!!

...nasaan kayo?! mukhang busy lahat ng kapipipolan sa mannila at walang nagpopost sa blog. hane, para me mabasa naman kayo kahit konting update laang..

enjoy na enjoy ako sa work ko ngayon kasi mabait ang boss ko, ang pambungad niyang bati sa umaga ay, "hi, dear!", sabay sunod sa office niya at, "coffee, sir?", "yes, please". at pag-uwi me pa-apir-apir pang nalalaman, hehehe. sabi nga pala noong pinalitan kong secretary doon masungit at naninigaw daw yon noon pero lately bumabait na (hmmm...ano kayang meron sa lebanon?), siguro tumalab ang aking panalangin. hemingways, halos parehas lang ng routine ko sa previous work ko sa manila, yong nga lang sa reception area ako nakapwesto meaning pagkabukas ng elavator babati na ko ng "hi, sir good morning/afternoon" o kaya "how are you?" (mabuhay kaya sabihin ko next time, hmmm...) AT tatlong lifts yon minsan nga eh hinuhulaan ko kung saan ang bubukas na elavator, hehehehe!

o siya bukas ulit at excited na ulit akong makita ang pwesto ko...

miss you all c",)

Sunday, June 19, 2005

some readings

Never Give in - Never Give up

A wealthy man decided to go on a safari in Africa. He took his faithful pet dachshund along for company.

One day, the dachshund starts chasing butterflies and before long the dachshund discovers that he is lost. So, wandering about, he notices a leopard heading rapidly in his direction with the obvious intention of having lunch.

The dachshund thinks, "OK, I'm in deep trouble now!

Then he noticed some bones on the ground close by, and immediately settles down to chew on the bones with his back to the approaching cat. Just as the leopard is about to leap, the dachshund exclaims loudly, "Boy, that was one delicious leopard. I wonder if there are any more around here?"

Hearing this, the leopard halts his attack in mid-stride, as a look of terror comes over him, and slinks away into the trees. "Whew," says the leopard. "That was close. That dachshund nearly had me."

Meanwhile, a monkey who had been watching the whole scene from a nearby tree figures he can put this knowledge to good use and trade it for protection from the leopard. So, off he goes.

But the dachshund saw him heading after the leopard with great speed, and figured that something must be up.

The monkey soon catches up with the leopard, spills the beans and strikes a deal for himself with the leopard. The leopard is furious at being made a fool of and says, "Here monkey, hop on my back and see what's going to happen to that conniving canine."

Now the dachshund sees the leopard coming with the monkey on his back, and thinks, "What am I going to do now?"

But instead of running, the dog sits down with his back to his attackers, pretending he hasn't seen them yet... and just when they get close enough to hear the dachshund says.............. "Where's that stupid monkey? I sent him off half an hour ago to bring me another leopard."



NEVER GIVE UP, NEVER GIVE IN!!!!!



posted by Vulnerable Bitch 12:48 PM

Thought for the Day


Man driving down road.
Woman driving up same road
They pass each other
Woman yells out window, "P I G !"
Man yells out window, " B I T C H "
Man rounds next curve
Crashes into a huge pig in middle of road.


Thought For The Day : If only men would listen

flashback

Saturday, August 02, 2003

Good grief! Ilang buwan na lamang at matatapos na ko sa aking “vow”, sa March tapos na rin…imagine 3 years na walang ka-relasyon..hmmm kakaiba talaga kasi hindi ako ganito. Siguro nadala na lang talaga ako ng husto sa mga mahilig mangako…o di kaya naman masyado lang akong madaling maniwala, ay ewan basta I’ve learned na kaya ko at mas happy ako with my friends.

Nakakapanibago, halos isang buwan na pala akong hindi gumigimik…ang huli kong nood ng sine ay Charlie’s Angels pa, marahil siguro nananawa na rin ako sa mga ganong klase ng pagpapalipas oras pero ang masaya non nakakapag-unwind ako with my friends, pampatanggal ba ng isang buong maghapon na stress.

Minsan naisip ko rin na magpalit ng direksyon habang nananahimik ako—sa text, office, etc.—ito yung simpleng buhay na namiss ko sa loob ng sampung taon. Thankful din ako dahil 17 palang natuto na kong humawak ng sarili kong kita at tumayo sa sarili kong paa, naisakripisyo ko nga lang ang pag-aaral ko kaya eto undergrad pa rin ako. Balak ko sanang umalis bago matapos ang taon para makaipon at pagbalik ko tatapusin ko ang pag-aaral ko, hay…sana…sana, lakasan lang naman ng loob yan at tiwala sa sarili.

Ganito talaga yata ang malapit ng mag-30…er..two years pa naman po mga ‘igan kanya lang di maalis na mag-isip o mag-assess kung san na ko sa mga isinet kong goals.

....Zzzzzzzzzz.........zzzzzzzzzzzzzz......(-_-)
posted by Vulnerable Bitch

Thursday, June 16, 2005

Roof top

Mga one sided views dito sa tinutuluyan ko.

Paghawi ko ng kurtina sa umaga para pumasok ang nakakasilaw na liwanag mula sa labas ng flat kung saan kami ang nasa tuktok ng building kasamang mga naglalakihang disks makikita ang samu’t saring tanawin mula sa mga luma at makabagong building hangang sa mga kotseng nagdadaluyan sa mga kalsada.

Anu-ano nga ba ang mga abot-tanaw na mga bagay na nakikita ko?

Sa bandang kaliwa, ang malawak na karagatan kung saan makikita pamin-minsan ang mga naglalakihang barko na bumabaybay, mayroon ding maliliit na barko na palagay ko ay taga-dito lang.

Pinakamaraming puno dito ay yong dates, na pailan-ilan na nakapaligid sa mga establishimiyento at mga naglalakihang bahay. Sa ngayon me mga bunga na ang mga puno at iyong iba binabalot nila ng plastic (ewan ko kung bakit siguro para di mainitan, hehehe).

Ahh, ang mga mosque na iba-t iba ang design, di bale tatlo yon so imagine niyo kapag nagkasabay-sabay ang prayer timing nila. Actually, nasanay na ko dun at halos alam ko na ang oras kahit di ako tumingin ng orasan dahil nakafull blast speaker ang prayer nila. From 1:00 to 4:00pm (yata di ko sure kung 4pm nga) sarado ang mga stores dito dahil kelangan nilang magpray at gawin ang mga bagay na ginagawa nila (malay ko kung anu-ano yon) tas balik ulit sila sa offices at stores nila. Pero usually ang mga arab women na nasa office eh up to 3pm lang.

Note: Holding a party with mixed gender is considered an illegal assembly. Ganito ang kultura nila dito. At isa pa lang ito.

Sa bandang kanan naman ay ang mga establishimiyento: luma at bagong building na puros disks ang nasa tuktok katulad nitong kinatatayuan ko ngayon. Oi, me mga flying V kalapati!!! Meron din niyan sa ibaba, para ka ngang nasa Milan (minsan magpapapicture ako dun), yong iba pinapakain nila (mostly arabs) ng feeds at binibigyan ng tubig kasi sa kanila parang obligation or offering nila yon in return for all the blessings that they are receiving. One time nga pala me hinatid ako sa bus station (near the city post office which is beside lang ng building na tinutuluyan ko) me biglang nagcrash landing na pigeon na heatstroke yata kasi sobrang init noong gabi na yon as in 40 degrees siya mama (woofff).

Nakikita ko rin ditto ang main road kung saan ang mga busses eh dumadaan palabas pasok ng city mula sa ibang areas. Ang mga public buses na ito eh me mga designated seats only for women na gaya ko (ep ep eps walang kokontra!), kapag me nakaupo na dunna kelots agad pinaalis ng driver (nasa likuran lang niya kasi yong mga seats na yon). Minsan me naencounter akon na Egyptian tas pilit akong pinauusod ng upuan tas sabi ko sa kanya, “this seat seat is for women only! “ (magalang pa ko nun at sa ‘pinas 2 okasyon lang ako nag-iingles i.e. galit at lasing, for emergency use only pag me foreign visitor or phonecall!) tas ang sagot ng lolo mo, “please…move”, (huh?! Banatan ko ng ulit.) “why don’t you sit at the back, you are not a WOMAN!”. Matigas ang ulo ng lolo mo, in fairness matanda na siya at pababa na rin naman ako kaya pinagbigyan ko na, pero with a vengeance. Pagtayo ko sabi ko sa kanya, “excuse me, let me pass, I will go down.”, with matching firm voice yon ah (taray! O di vah!)

Haaayyyy! Ayan na naririnig ko na ang prayer nila, meaning 12 noon na.

O siya mga readers hanggang sa muli (magbabalat pako ng kalabasa, pampalinaw daw yon ng mga mata hehehe).

Tuesday, June 14, 2005

bagtit

ilan sa mga friends ko na naging part din ng colorful life ko...

unahin natin si bagtit.
sa una akala mo highschool student ito pero wag ka, sa kaha niya maraming karga yan kaya nga bagtit ang bansag namin sa kanya (hehehe). hemingways, naging malapit kami sa isat'isa nong nag-istokwa ako (sori di ko pedeng isalaysay dito balak ko kasing ipadala sa MMK) binulabog ko kasi silang dalawa ni bananarit sa tinagurian naming "safe house" (apartmetn yon ektwali) na pagmamay-ari ni Mr. Renato "The Gliding Man" na nagbabarong at matching 6 pockets kargo pants. balik tayo ke bagtit, atapang atao at abait na bata. we talk about a lot of things pati personal kong life (open book naman kasi ako), pili lang ang mga sinasabihan ko non at isa siya dun.

miss na kita bagz! nain ka mabuti at don't forget your jacket kasi maulan sa labas. first day mo sa skul, excited me para sa yo!!!

thanks for being a true friend (a sounding board pag depressed ako at bugbog ang puso).

Friday, June 10, 2005

ilang bagay

dapat masaya ako ng malaman ko mismo sa kanya na namimiss niya ako pero bakit ganun parang di ko maiplaiwanag di ba't yon ang nga ang gusto kong malaman mula sa kanya. naguguluminahan ako. me kakaibang feeling ako ngayon parang gusto ko ng mamaalam sa lahat ng mga naging bahagi ng fucking life ko, what a word! onthe second thought sa susunod na lng siguro. basta ang gusto ko lang sabihin sa mga friends at nakakabasa nitong blog ko, di pa huli ang lahat maigsi lang ang buhay (para sa akin, ewan ko sa inyo) kaya sinasab iko na sa mga taong malapit sa akin ang mga bagay na di ko pa nasasabi sa kanila.

salamat sa lahat, balbon( eye) at bananarit lalo na noong nilayasan ko ang aking esposo...di ko kayo makakalimutan. (pramis!)

inom lang akong kapeng decaf (hindi debaso, mainit eh).

in shallah.