Sunday, July 24, 2005

tagos sa puso


I Was Reminded
by Alicia S

As we lay there quiet
I was reminded of all the reasons why I lust you
Your smile,
and the way it teased at me seductively
Your laugh,
and the way it tempted me
Your eyes,
and the way they seem to hypnotize me

As we sat there silent
I was reminded of all the reasons why I love you
Your smile,
and the way it brings such life into me
Your laugh,
and the way it makes everything okay
Your eyes,
and the way them seems to read my thoughts

As we stand here now
I am reminded of all the reasons why I hate you
Your smile,
and the way it confuses me
Your laugh,
and the way it seems to mock me
Your eyes,
and the way they can look into mine and not feel a thing

para sa iyo


Your Catfish Friend by Richard Brautigan


If I were to live my life
in catfish forms
in scaffolds of skin and whiskers
at the bottom of a pond
and you were to come by
one evening
when the moon was shining
down into my dark home
and stand there at the edge
of my affection
and think, "It's beautiful
here by this pond. I wish
somebody loved me,"
I'd love you and be your catfish
friend and drive such lonely
thoughts from your mind
and suddenly you would be
at peace,
and ask yourself, "I wonder
if there are any catfish
in this pond? It seems like
a perfect place for them."




From The Pill Versus the Springhill Mine Disaster by Richard Brautigan, published by Houghton Mifflin. Copyright © 1989 by Richard Brautigan. Reprinted by permission of Houghton Mifflin. All rights reserved.

Monday, July 18, 2005

saranggola...

...basta marami pa tayong gagawin, kahit san man tayo mapunta magpapalipad pa rin tayo ng guryon. simbolik nga yon eh kaya yon ang ginawa ko bago ako umalis, bukod sa matagl at gusto kong gawin yon eh kasama ko pa kayo sayang nga lang at di tayo kompleto.

yong saranggola kasi mga pangarap at hangarin natin yon sa buhay, yong pisi o sinulid naman yon yong determinasyon kung saan pag mahina at maigsi ang pisi o sinulid aalagwa yon maaring sumabit sa puno o masira ang saranggola. mabuti sana kung me makakakuha nun at ipagpapatuloy ang pagpapalipad nito. tanging hangin na nagsisilbing pagsubok, parang sasabay tayo sa ihip ng hanging pero yong nagpapalipad pa rin ang me control kung saan at gano kataas niya gustong paliparin ang saranggola. at pag nareach mo yong satisfaction at masaya ka na dahil napalipad mo na ang saranggola sa gusto mong taas sa saliw ng hangin kahit gaano pa ito kalakas, pwede mo nang hataking ulit ang pisi at saranggola upang sa mga susunod na araw mapapalipad mo ulit siya. ewan ko, pero nung nagawa natin yon ang saya-saya ko sobrang saya, bukod sa kasama natin ang kapatid ko at syota niya, at least nakita niya kung ano ako kahit sandali lang -- isang taong me mababaw na kaligayan pero me malalim na pagtingin sa buhay. tas nakausap at nakasama rin natin yong mga batang paslit, sa totoo lang naiiyak ako nun dahil binigyan ako ng pagkakataon na maranasan yong ganun. yon ang mga bagay na di matutumbasan ng kahit na anong material na bagay dito sa mundo, na kahit pagtanda ko maaalala ko pa rin siya at maikukuwento sa iba. marami pa, marami pang alala na punong-puno ng kahulugan. tama ka weirdo nga ako...at laking pasasalamat ko at nakilala kita at naging bahagi ng buhay ko, pati na rin ang mga kaibigan natin, nandito kayong lahat, sa isip at puso, tanging kayamanan ko.

pakshet! ang sakit na naman ng panga ko di kasi ako makaiyak dito eh!
siya dito muna ha, mamya ulit!

MISS U OL!!!

Saturday, July 16, 2005

paksiw na pata

hoy hoy mga 'igan! me mga tips ako ngayon sa inyo pero unahin natin muna sa PAA. oo maamoy at maanghit na mga paa. oopsss! huwag magtawa, dahil kung di nyo aalagaan ang inyong mga paa, babaho talaga yan di kalaunan. kaya heto na, simple lang naman ang gagawin.

na-experience mo na bang pagdating mo galing eskuwela, opisina o kahit sa labas kung saan ka man nagsususuot at pagtanggal mo ng iyong mga sapatos o step in eh umalingasaw na higit pa sa atomic bomb ang bagsik na amoy (ex. para siya amoy patis na hinaluan ng toyo)?! fwez, manginig ka dahil SUKA lang ang katapat niyan! korek ka jan, pede rin tawas pero sa aking pagsusuri di hamak na mas epektibo pala ang suka. oo mga mare suka nga yong ginagamit sa paksiw hindi yong pag uminom ka ng serbesa o alak eh susuka ka, mali ka dun. ganito kasi gawin mo, try mo lang ala namang mawawala kungdi yong amoy lang ng paa.

maglagay ng 2 takip na sukat ng suka (puti) sa isang tabo ng tubig tas ilagay sa maliit na palanggana na kasya ang iyong mga paa tas ibabad mo lang, hmmm, mga 5 -10 mins pede na. WAG BABANLAWAN! hayaang matuyo tas makikita mo este maaamoy mong kakaiba, oo nga sa simula siyempre amoy suka yun pero maaalis din yon kesa nman amoy patis, yakitidak dak!

so prends, sana makatulong sa inyo ang tip na ito, abangan sa susunod...

Tuesday, July 12, 2005

serious muna

i guess i wanted something new in my life a new key to fit a new door. to wake and see a different view in my life the one i've been waiting for. dreams like everyone i've had a few in my life who knew that this one would come true in my life. i knew the moment when you touched me you touched me. you're like a sudden breeze that blew in my life a new face, a new smile, new song. and now i know i wanted you in my life all along i guess, i must have saved an empty place in my heart. for you to come and fill this space in my heart that long before i said i loved you i love you. whatever happens this is true in my life when all the springs have come and gone. whatever dance i made or do in my life whatever else that i may do in my life. you'll always be something new in my life from now on. i know there always will be you in my life from now on...

nagpapasalamat ako ng marami ke Mr. Bishop sa paggawa niya ng kantang ito na angkop na angkop para sa akin, kung meron mang nakakarelate, pakikanta na lang hane.

Sunday, July 03, 2005

checklist

HEHEHEHE!!! KABABATA BA KITA?ALAM MO BA ETO?
Message:
KABABATA BA KITA?ALAM MO BA ETO?--nung ikaw ay bata... nagawa mo ba to?--

*kumakain ka ba ng aratilis?

*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapybubblesna hihipanmo sa binilog na tanggkay ng walistingting?

*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon atdi ka papayagan maglaro pag di ka natulog?

*marunong ka magpatintero, saksak puso,langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?

*malupit ka pag meron kang atari, family computeror nes?

*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left,right, left, right, a, b, a, b, start?

*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London,CrossColors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakitaka ng Bench na damit eh naalala mo si RichardGomez?

*addict ka sa rainbow brite, carebears, my littlepony,thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos,he-man at marami pang cartoons na hindi patranslated sa tagal og?

*nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo siannie at type na type mo ang puting panty nya?

*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka natalaga ng 5.25 na floppy disk?

*inaabangan mo lagi ang batibot at akala momagkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna...nung high school ka inaabangan mo lagi beverlyhills 90210?

*gumagamit ka ng AQUANET para pataasin angbangs mo?

*meron kang blouse na may padding kung babaeka atmeron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?

*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahiligka magpapirma sa slumbook mo para langmalaman mokung sino ang crush ng type mo?

*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsitgirls?e si luning-ning at luging-ging?

*alam mo ibig sabihin ng time space warp at di momakakalimutan ang time space warp chant?

*idol mo si McGyver at nanonood kang perfectstrangers?

*eto malupet... six digits! lang ba ang phonenumber nyo dati?

*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3bentesingkolang ang dala?

*cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam moang song na "eh kasi bata"?

*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait ehnasaglass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ngnanay mo sa ref?

*meron kang pencil case na maramingcompartmentsna pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?

*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya FunFactory?

*alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at"alagang-alaga namin si puti"?

*alam mo ang kantang "gloria labandera"..lumusongsha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3,asawa ni marie"... hehehehehe?

*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... atnag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba paang mukha ni barbie noon?

*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak atyung diyes na square?

* napaniwala ka sa buong buhay mo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong...diba naninipit yun?

*alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng perayung batang umakyat ng puno para bumili ngpanty... and shempre, alam mo rin ba kung anobinigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?

*meron kang kabisadong kanta ni andrew e naalammo hanggang ngayon.. aminin?

*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pagpinapawisan ka?

*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubblegum... tira-tira, at yung kending bilog nasinawsaw sa asukal?

*takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nlamagugunaw daw ang mundo?

KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NANG 25 YEARSOLD... KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA23-25 KA...WAG KA N A MAG DENY.. TUMAWA KA NALANG... DIBA .75CENTAVOS PA LANG PAMASAHE SA JEEPNUN AT MASMASARAP ANG MELLOW YELLOW KESAMOUNTAIN DEW? HAHAHAHAHA

hallerrrr!!!

tatlong araw na ko na lang masisilayan ang amo ko at magbabakasyon siya ng lagpas sampung araw, meaning alang maninigaw sa akin at ako lang ang tao bwahahahaha. pero nanjan pa rin ang elavators!

nung first friday nagsimba kami ng tita ko, ang haba ng holy hour, ngayon lang ako naka-attend non sa tanang buhay ko. madalas ako magsimba pag first friday sa quiapo church pero misa lang yon ala silang holy hour. at isang pinakamagandang musika ang narinig ko, ang tunog ng kampana (sigurado ako hindi si imang yon), ang sarap pa lang pakinggan nakakatindig balahibo, ibang-iba ang feeling i really can not describe it, grabe!

siya mamaya ulit at magpa-filing pa ako ng mga dokumentos!

adios!